Together With Me
Hello Smile You are in Together With Me Forum. If you are a member, kindly Log in and if you're not, kindly register. Have fun and Good Day!



 
HomePortalCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in
HELLO! Welcome to TWM forum. Smile Be active and follow the rules. ^_^
App.Form for Groups were modified .View the UserGroups Section for more info .
Having HTML Problems?. Visit the bulletin Board for more info Smile
Read about the signature here to avoid deletion of yer signature.

Share | 
 

 It all happened when

Go down 
AuthorMessage
~ Tsunade XD
Admin
avatar

Posts : 880
Join date : 2009-05-18
Age : 24
Location : Under your bed. @_@

PostSubject: It all happened when   Mon Nov 02, 2009 9:17 pm

Hmm bago ang lahat..
Actually. Natatakot ako mag post dito. since una sa lahat ayoko magaya ang mga ginawa ko.
Anyway para sa inyo. hahaha

-------------------------------------------------------------------------------

~TYAPTER WAN -- BAGONG PAGMUMUKA~

*The number you have dialed, is either unattended, or out of coverage area*.
Ilang beses nang nag-dial si..

]<$>EHEM EHEEEEM! Teka nga!! Di pa ako nag iintro.
<#>Kelangan pa ba nun?
<$>Syempre naman no. Pano maiintindihan ng mga readers ang kwento.
<#>Bakit, may reader ba? Wala kaya
<$>Kunyari nalang . wag ka ngang choosy.
<#>Bat ka nagpopost dito? Baka may manggaya
<$>Onga noh. Pero for the sake of my friends dito.. pang entertainment lang. Smile
<#>Bahala ka.

Okay. Noong taong 2008, summer siguro yun, oo tama summer. Sa isang prestihiyosong resort, maraming tao. Wag tayo dun, masyadong maingay. Sa isang sementeryo, maraming patay. LOL CORNY KO TALAGA. 
Dito nalang tayo sa isang bahay. Sa di kalayuan, sa dulo ng isang subdivision..
... Narinig mo ba yun? Hindi? Lapit tayo..

Pag-iisipan ko pa. Gusto ko pero..
<%%> Sus. Wag ka na mag-isip. Sige na oh, please ?
Sige sige..

<#> Teka nga.
<$> Ano na naman?!! Kanina ka pa Umeepal dyan eh!!
<#>Kala ko ba plasbak?
<$>Flashback, hindi plasbak.
<#>Whatever. Ulitin mo. yung pinaka una pare.
<$>Hay. Choosy ka talaga.

Summer, 2008. Kasisimula palang ng Summer Vacation.
May isang lalakeng kumatok sa isang bahay sa dulo ng isang subdivision.
<%%>Riza?!

[Binuksan ni Riza ang Pinto]

Oh, bakit Mj?
Anung bakit? Ilang beses na akong paroon at parito dito sa subdivision niyo ha. Bilisan mo, dahil sayang lang ang oras ko.
Pag-iisipan ko pa. Gusto ko pero..
Sus, wag ka na mag-isip. Sige na oh, please Riza?
Sige Sige..
Yun oh!! Kelangan mo rin kasi lumabas dito kahit papano. Hindi yung puro studies ka lang okay?
Hay. Oo na sige na.
Sa saturday na. 10AM sa tapat ng Starbucks.
Kinakabahan ako.
Kinakahaban? Asus. Eh kasama mo naman ako.
Hay. Teka, wala ka bang balak pumasok?
Meron naman.

<#>Hoy Hoy Hoy.
<$>Ano na naman?
<#>Sino si Riza at Mj? San sila pupunta at bongga pa ang meeting place nila?
<$>Pwede bang maghintay ka? Susuntukin na kita eh
<#>Bilisan mo kasi, puro ka suspense. At saka..Tungkol san ba tong kwentong to?
<$>Tama na ang tanong, basta magbasa ka na lang!!

Okay. Siguro nabitin ka, kung hanggang ngayon ay nagbabasa ka pa. Sino nga ba si Riza at Mj? San sila pupunta?..

(Si Riza, isang 16-year-old freshman sa ewang unibersidad. Nakikitira lang siya sa tita niya, dahil parehong nasa abroad ang parents niya at pinapagawa pa lang ang bahay nila. May pagka-mahiyain at tahimik, masipag at matalino. At ang course? BS Tourism.)

(Si Mj naman ay isang 18-year-old sophomore sa hindi rin tiyak na unibersidad. Architecture naman ang course niya. Babae or Lalake? Lalake to pare. 2nd cousin ni Riza. Wag mo na akong tanungin kung pano sila nagig close dahil hindi ko din alam. Medyo lapitin ng babae tong si Mj, malambing, hindi mayabang.. payat nga lang)

[Pagpasok ni Mj sa bahay]

Wow. Ang linis ng bahay ah.
Always naman eh. Parang nanibago ka. Alam mo naman si Tita Vanessa, masyadong mitikulosa.
Sa bagay. That's why I'm telling you na mag-dorm ka na din.
Bakit naman ako mag dodorm eh anlapit lang ng school dito?
Oo nga, pero dapat mo rin ma-experience ang lumabas dito no.
Hay..
Nako Ms. Buntong hininga. Tumigil ka nga diyan. Pumayag na sila mommy at daddy mo no.
Alam ko!
Oh, eh bakit parang worried ka dyan?
Syempre, bagong environment yun. Magsisimula ako sa bagong school, este university.
So?
So, pano ako makikisalamuha? Alam mo naman ever since na lumipat ako dito never pa ako nagkaron ng kaibigan. Well, bukod sayo.
Hay. Don't worry, iza! Andito naman ako eh. Saka madali lang maki-chika no.
Whatever. Tara kain muna tayo.

[At kumain nga sila..]

So, dumating ang tuesday, wednesday, thursday at friday night.
Nag-eempake na si Riza, pero puro sermon pa ang Tita Ness niya. Talo pa ang plakang sira.

<#>Teka..
<$>Anu na naman!! Gusto mo i-reveal ko name mo?
<#>Uy walang ganyanan. may gusto lang me itanong..
<$>Ano?!
<#>Wag na nga. Sige ituloy mo na
<$>Bwiseeet!

Hindi makatulog si Riza ng gabing iyon. Bakit nga ba kailangan pa niyang umalis sa subdivision nila, eh kontento naman na siya dun? At saka, bakit kelangan pa niya ng dorm, may bahay naman siya. Ano ba ang plano ng parents niya at parang gusto nilang malayo siya ngayon? Independent naman na siya. Hindi na siya bata. Bakit nga ba?

[Saturday Morning.. sa tapat ng starbucks. 10 AM and 5…6…7…seconds…]

All set ka na ba?
Yep!
Hintayin lang natin si Joseph.
Sino naman yun?
Kaibigan ko syempre.
Teka nga, puro ba lalake makakasama natin?!
Oo, mga sampu sila.
What!?
Joke lang. Masyado ka namang nerbyosa.
Seryoso, puro lalake ba?
Hindi ah. Mga 3 silang lalake, bale apat pag kasama ako. Tapos 5 na babae ata.
May ka-age ba ako dun?
Wala ata.. Hmm.. Pero may 17 years old. Hehe.
Ewan ko sayo.
Cool ka lang. Makakasundo mo sila, promise.

[In an instant, may nag-park na Adventure,di kalayuan sa starbucks. Lumapit agad si Mj, sumunod naman si Riza, hindi maintindihan kung ano tama nga ba ang ginawa niyang desisyon, o hindi]
[Pagkalapit nila sa kulay putting adventure, may bumabang isang lalake, mga 5’8, maputi, mapag-kakamalang naka-contacts dahil brown na brown ang mata.]

(Siya kaya si Joseph? Ang cute naman niya!)

Medyo matagal na tinitigan ni Riza si Joseph. Para siyang nakakita ng isang anghel. Pero bigla siyang na turn off kasi..

Hoy ****, tama na ang porma. Ang tagal niyo ha, sumama ba ate mo?
Hay Nako, sumama ang loka. Bad trip nga eh, ingay lang ang dala

(To-totoo ba t-to?! B-bading si Joseph?! What?!!)

Tumingin si Joseph sa natungangang si Riza. Inunat ang kamay at sinabing..

Hi Riza, I’m Joseph. Nice to meet you.
Aba, wag mo pormahan ang pinsan ko, bata pa yan!!
Ahahaha! Bawal ba makipag-kilala?!
B-****?...

[Nagkatinginan si Joseph at Mj, sabay tawa]

Ahahahahahha!! Sineryoso mo yun?!
Ahaha. Natawa ako dun ah. Wag ka mag-papaniwala dito sa mokong mong pinsan. Ako ****? Hahahahah!!
Ah…hehe...sorry.. na-shock lang ako. Nice to meet you din. Pano mo nalaman ang pangalan ko?

Bago pa man makasagot ang hunk na si Joseph, bumukas ang bintana sa Adventure. Isang morenang babae, mga 20 years old, ang dumungaw]

Ang tagal niyo ha!! Pumasok na kayo!!

Niyaya na ni Joseph sila Mj at Riza, umupo sila sa harapan. Medyo nawawala sa sarili si Riza.
Tawanan, Kwentuhan, Asaran. In short, maingay sa loob ng sasakyan, sinamahan pa ng full blast na kantang Gone So Young na kanta. Parang nasa karaoke bar, hindi.. mas masahol pa. At si Riza? Nakatingin sa labas, ng bigla siyang kalabitin ni Mj.

Papakilala kita ha…. Guys!! Meet Riza, my second cousin. Incoming freshman siya, tourism ang course.
Hi Riza, Join the Club naman!!

At nagkagulo ulit ang lahat.
Kung sa tingin mo, nakisali si Riza sa ingay, well, for you info, hindi. Hindi niya alam kung panu makikipag-usap. Nakikitawa lang siya, nakikingiti, nakiki-Oo nga, chevers.

_________________

sig is for soon. haha. "IF OTHERS CAN, WHY CANT I?
Back to top Go down
View user profile http://moonprincess9.multiply.com
~ Tsunade XD
Admin
avatar

Posts : 880
Join date : 2009-05-18
Age : 24
Location : Under your bed. @_@

PostSubject: Re: It all happened when   Mon Nov 02, 2009 9:18 pm

-- TO be continued po :]

_________________

sig is for soon. haha. "IF OTHERS CAN, WHY CANT I?
Back to top Go down
View user profile http://moonprincess9.multiply.com
nicale021
VIP Member
avatar

Posts : 1151
Join date : 2009-05-28
Age : 25
Location : sa bahaii..!

PostSubject: Re: It all happened when   Fri Feb 12, 2010 11:55 am



tuloy mu poh ah?
Back to top Go down
View user profile http://www.plurk.com/mika021
Sponsored content




PostSubject: Re: It all happened when   

Back to top Go down
 
It all happened when
Back to top 
Page 1 of 1

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
Together With Me :: Fun Fun Fun :: Fan Stories-
Jump to: